Miyerkules, Enero 8, 2014

reflection

01.06.13
ngayong araw naito ay isinulat namin ang mga masasayang bagay noong 2013

01.07.13
tinalakay ang noli me tangere

01.08.13
ngayong araw naito ay nagkaroon kam ng pagsusulit na nag silbing
aming reviewer

mabangis na lungsod





Mabangis na Lungsod


1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.

3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.

5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.





6. “Mama…Ale, palimos na po.”

7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”

9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.

11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

13. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”

14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig

17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.

18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

22. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”

23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.

26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.

27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

sinag sa karimlan

Sinag sa karimlan

Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa bilibid.

Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.

Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.

tata selo

tata selo
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. 

(Ginawang buod ni Aldrin P.) 

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

buod ng noli me tangere

buod ng noli me tangere




Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.




         Repleksyon:
             nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay
             masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.

banaag at sikat

Banaag at Sikat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Banaag at Sikat
Banaag at sikat.png
Pabalat ng Banaag at Sikat.
Buod
May-akdaLope K. Santos
BansaPilipinas
WikaTagalog
(Mga) UriKathang-isip
Petsa ng paglilimbag1906
Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906.[2]Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng mga manggagawang Pilipino[2], umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: angsosyalismokapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.[3], nasa wikang Ingles, Mga Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga nobelang nasa wikang Tagalog”[4] na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibigpangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan.[5][6] Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan, sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.[7]
Hindi ito ang pinakaunang nobelang Tagalog[5], sapagkat nalimbag ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos matapos ang Nena at Neneng (1905), ang itinuturing na pinakaunang nobelang Tagalog na nilimbag bilang isang aklat, na isinulat ni Valeriano Hernandez Peña.[5] Subalit may mas nauna pang nobelang Tagalog, ang Kababalaghan ni P. Brava ni Gabriel Beato Francisco, na lumabas sa paraang hulugan sa mga pahina ng babasahing Kapatid ng Bayan noong 1899.[7]

kinagisnang balon

kinagisnag balon
May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. 
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. 
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. 
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. 
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. 
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya.. 
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya 
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera 
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang 
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang 
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam 
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina. 
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng 
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may 
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang 
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya 
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.


Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, 
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga 
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil 
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng 
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. 
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang 
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu- 
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa 
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ". 
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. 
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina 
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa 
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na 
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang 
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng 
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik 
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng 
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa 
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa 
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik 
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang 
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde. 
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang 
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa 
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang 
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang 
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa 
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya 
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang siya ang 
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos 
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng 
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng 
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya 
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya 
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa 
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang 
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang 
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang 
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa 
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano 
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap 
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng 
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap 
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at 
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging 
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong 
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal 
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang 
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama, 
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang 
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa 
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya 
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde 
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay 
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa. 
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat 
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang 
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at 
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman 
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang, 
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi 
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa 
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig